inggiterang kikay..

April 14th, 2007 by csweet

so nagBLOG-HOPPING ako..ngayon ngayon lang..

woo ang exciting nung mga blogs ng mga kakilala ko..unique skins, tagboards, background music, colorful layouts, and (hidden) buttons..

ilalarawan ko nlang ung kay KATS kasi naamaze ako dun sa kanya (sana after mo basahin to, tulungan mo ako sa aking layunin)..ang kulay ng kanyang blog ay MOSS GREEN na BROWN (vintage daw)..tapos may makikita kang malaking pangalan na KATS na silver at glittery tas may isang verse ng kantang iniyakan ko..may bonus feature pa: classical music EVER!

yun nga lang..hindi mo malalaman kung pano makikita ung entries nya! woo..hidden buttons!..ahaha..anyways, nahanap ko rin kaya nagbasa-basa ako..

..at natuwa ako sa entries nya..at may tagboard pa sya!

..at narealize ko na maganda rin pla na may kalandian sa blog..

..at kinonsider ko na gumawa ng blog sa blogspot (sorry friendster, you’re not good enough for my passions)..

so..if ever lumipat nga ako, iuupdate ko nlang kayo (as if may nakabasa na nitong blog na to; ndi ko pa nga inaadvertise e)..

k gudnyt..

Bookmark and Share

working title…

April 14th, 2007 by csweet

may blog nako..

so? magbabasa ba kayo?

kala nyo napilit nyo ko..ang totoo, wala lang talaga akong ginagawa..ok naman pala dito sa friendster e..dati tinatamad akong gumawa ng blog kasi ang hirap magpili ng skin at kung anu-ano pang etchos..e dito mabilis lang..pinili ko nlang ung pinakaKIKAY na design tas ayun! kaya lang marami ako kapareho..pero di bale..nadadaan sa content yan..di tulad ng mga PORTFOLIO SA FILIPINO nung 2nd at 3rd year..ahahaha!!!

so feeling naman ng friendster..napuri ko pa ang sistema nila sa pagjug ng blogs..

ano ilalagay ko dito ngayon??

hmm…boring ba ung blog title ko? I figured as much..di bale papalitan ko rin yan ng SWEET 16 kapag nagbirthday nako..malapit na un ah!! super friends..nagpapahiwatig ako..joke!

sayang at ngayon lang ako nagkaroon ng time and energy na gumawa ng blog..di ko na tuloy maisusulat ung mga nagdaang moments nung high school..ay nako..di bale, baka ndi ko rin naman ito ma-update pagbusy na e..let’s just keep our fingers crossed (lalo na ung mga fans ko dyan)..wee..dami ko na sanang naisulat dati kung noon ko pa nasimulan ung blog ko..

kakagaling ko nga lang pala sa photobucket ng faraday..dami naming pics ni lester <KILIG!!>…creepy, joke! ahaha..buti nlang cute ako dun sa mga pics na un..lahat ah kahit ung mga ndi ko kasama si lester..ahaha..di ko na uungkatin ung iba pang pics..basta cute ako! ahahahaha! conceited mode!!

ngapala, pwede ba lagyan ng efeks itong blog na to? ung may music, etc.? sabagay wag na..nakakainis pla un..minsan pumupunta ako sa mga blogs may music pla..nadidisturb tuloy ung flow ng YAHOO! Radio ko..pero kung pwede, sabihin nyo sakin..baka bigla akong maging MAS KIKAY at lagyan ng etchos ito..

cge sa susunod na ulit..masyado ako naexcite sa bagong blog..haha..

P.S. ung mga umaasa sa testi, dedication, or whatever..tuloy nyo lang yan..gagawin ko rin SOMEDAY…totoo yan..

Bookmark and Share